(Mula sa Nabasa)
Ang Responsible Parenthood and
Reproductive Health Act of 2012 (Republic Act No. 10354), na mas kilala bilang
Reproductive Health Law ay naglalayong maikalat ang kaalaman tungkol sa
Reproductive Health, tulungang maipaabot nang mas madali ang mga ligtas at
modernong pamamaraan ng contraception, tulungan ang mga pamilya sa mas maayos
na pagpaplano ng pagbuo sa pamilya, at pangangalaga sa kalusugan ng mga ina. Ang
patuloy na paglaki ng populasyon sa Pilipinas ay isa sa tinuturing na rason
kaya naman napakaraming Pilipino ang patuloy na naghihirap. Patuloy din ang
paglaki ng bilang ng “teenge pregnancy” at kaso n HIV/AIDS sa ating bansa.
Naniniwala ako n gang RH Law ay may malaking maitutulong sa ating mga Pilipino
upang matugunan ang mga lumalalang problema.
Lagi akong nakakakita ng mga
magulang na maraming anak at kadalasan ay hindi na nagagawang masuportahan ang
mga pangunahing pangangailangan ng pamilya gaya nalamang ng pagkain, damit, at
tirahan. Sa kadahilanang ito lalong dumarami ang mga mahihirap sa ating bansa
sapagkat hindi sapat ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa “Family Planning”.
Dahil din sa kakulangan sa edukasyon ng mga kabataan sa “sex education” patuloy
paring dumarami ang nagkakaroon ng HIV/AIDS at pagdami ng “teenage pregnancy”.
Ayon sa bagong batas, ang mga
Pilipinong kababaihan at mga kabataan ang higit na makikinabang sa mga
benepisyo ng RH Law, lalo na ang mga kabilang sa sektor ng mahihirap. Ayon sa
pag-aaral ng United Nations Population Fund, 21% lamang ng mga kababaihan ang
may sapat na kaalaman o malayang nakakagamit ng mga modernong pamamaraan ng
kontrasepsyon. Mataas din ang bilang ng mga kababaihang nanganib ang buhay o
kaya ay namamatay dahil sa kakulangan ng sapat na kalinangan ukol sa
reproductive health. Ngunit dahil sa mga probisyon ng bagong batas, inaasahang
mas tataas pa ang bilang ng mga kababaihang makakagamit ng modern birth control
methods, at mapapababa ang bilang ng pagkamatay sa mga kababaihan.
Kung maipapatupad ng maayos at
may katapatan ang RH law malaki ang maitutulong nito sa ating bansa upang
matugunan ang lumalalang kahirapan sa ating bansa. Gayundin ang HIV/AIDS at
pagkakaroon ng magandang kalusugan ng mga kababaihan.
(Pormal
sapagkat gumagamit ng mga pormal na salita gaya ng “Ayon sa bagong batas, ang mga
Pilipinong kababaihan…”)