Huwebes, Setyembre 22, 2016

Ang Tunay na Pag-ibig

(Mula sa Nabasa)


Lahat tayo ay nagmamahal at nais na mahalin, lahat tayo ay nasasaktan at may kakayahang manakit, minsan sa ating buhay lahat tayo ay nabigo ngunit minsan naman ay tayo ang dahilan ng ating pagkabigo. Bakit kahit gaano mo kamahal ang isang tao darating ang panahon na kayo’y hindi magkakasundo? Bakit kahit gaano mo kamahal ang isang tao ay mapapahanga at mabibighani ka sa iba? Bakit minsan ay hindi sumasapat ang pag-ibig para mapanatiling walang alitan ang isang samahan?
Masasabi kong ang lahat ng ito ay pagsubok lamang. Mga pangyayaring susubok at magpapatibay sa tunay na pag-ibig. Kung tunay nga ang pag-ibig, tiwala ang nararapat na pundasyon ng isang relasyon at hindi puro pagdududa. Pagdududang kikitil sa pag-iibigang namumutawi sa puso’t diwa ng bawat isa.
Masasabi kong walang pasidlan  ang kasiyahan ng taong nagmamahalan at minamahal; wala kang pakialam sa oras at sa mga taong nasa paligid mo dahil ang importante para sa inyo ay ang samantalahin ang pagkakataon na kayo’y magkasama. Lahat ay kaya mong suwayin, lahat ay kaya mong tiisin dahil lahat ng para sa iyo ay kaligayahan sa tuwing siya’y iyong kausap.

Tila tunay nga ang pag-ibig.
Pag-ibig na hindi mapapantayan ng kahit anuman sa mundong ibabaw.
Pag-ibig na makapangyarihan na kayang hamakin ang lahat.

Tunay.

Tunay nga ang pag-ibig.



  • Pormal sapagkat gumagamit ng mga pormal na salita gaya ng “Tila tunay nga ang pag-ibig”. Maituturing rin itong dayalek sapagkat Tagalog ang ginamit na wika.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento