Huwebes, Setyembre 22, 2016

Pagpapatupad ng Reproductive Health Law


(Mula sa Nabasa)


Ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (Republic Act No. 10354), na mas kilala bilang Reproductive Health Law ay naglalayong maikalat ang kaalaman tungkol sa Reproductive Health, tulungang maipaabot nang mas madali ang mga ligtas at modernong pamamaraan ng contraception, tulungan ang mga pamilya sa mas maayos na pagpaplano ng pagbuo sa pamilya, at pangangalaga sa kalusugan ng mga ina. Ang patuloy na paglaki ng populasyon sa Pilipinas ay isa sa tinuturing na rason kaya naman napakaraming Pilipino ang patuloy na naghihirap. Patuloy din ang paglaki ng bilang ng “teenge pregnancy” at kaso n HIV/AIDS sa ating bansa. Naniniwala ako n gang RH Law ay may malaking maitutulong sa ating mga Pilipino upang matugunan ang mga lumalalang problema.

Lagi akong nakakakita ng mga magulang na maraming anak at kadalasan ay hindi na nagagawang masuportahan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya gaya nalamang ng pagkain, damit, at tirahan. Sa kadahilanang ito lalong dumarami ang mga mahihirap sa ating bansa sapagkat hindi sapat ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa “Family Planning”. Dahil din sa kakulangan sa edukasyon ng mga kabataan sa “sex education” patuloy paring dumarami ang nagkakaroon ng HIV/AIDS at pagdami ng “teenage pregnancy”.

Ayon sa bagong batas, ang mga Pilipinong kababaihan at mga kabataan ang higit na makikinabang sa mga benepisyo ng RH Law, lalo na ang mga kabilang sa sektor ng mahihirap. Ayon sa pag-aaral ng United Nations Population Fund, 21% lamang ng mga kababaihan ang may sapat na kaalaman o malayang nakakagamit ng mga modernong pamamaraan ng kontrasepsyon. Mataas din ang bilang ng mga kababaihang nanganib ang buhay o kaya ay namamatay dahil sa kakulangan ng sapat na kalinangan ukol sa reproductive health. Ngunit dahil sa mga probisyon ng bagong batas, inaasahang mas tataas pa ang bilang ng mga kababaihang makakagamit ng modern birth control methods, at mapapababa ang bilang ng pagkamatay sa mga kababaihan.

Kung maipapatupad ng maayos at may katapatan ang RH law malaki ang maitutulong nito sa ating bansa upang matugunan ang lumalalang kahirapan sa ating bansa. Gayundin ang HIV/AIDS at pagkakaroon ng magandang kalusugan ng mga kababaihan.


(Pormal sapagkat gumagamit ng mga pormal na salita gaya ng “Ayon sa bagong batas, ang mga Pilipinong kababaihan…”)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento