Huwebes, Setyembre 22, 2016

Pagpapatupad ng Reproductive Health Law


(Mula sa Nabasa)


Ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (Republic Act No. 10354), na mas kilala bilang Reproductive Health Law ay naglalayong maikalat ang kaalaman tungkol sa Reproductive Health, tulungang maipaabot nang mas madali ang mga ligtas at modernong pamamaraan ng contraception, tulungan ang mga pamilya sa mas maayos na pagpaplano ng pagbuo sa pamilya, at pangangalaga sa kalusugan ng mga ina. Ang patuloy na paglaki ng populasyon sa Pilipinas ay isa sa tinuturing na rason kaya naman napakaraming Pilipino ang patuloy na naghihirap. Patuloy din ang paglaki ng bilang ng “teenge pregnancy” at kaso n HIV/AIDS sa ating bansa. Naniniwala ako n gang RH Law ay may malaking maitutulong sa ating mga Pilipino upang matugunan ang mga lumalalang problema.

Lagi akong nakakakita ng mga magulang na maraming anak at kadalasan ay hindi na nagagawang masuportahan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya gaya nalamang ng pagkain, damit, at tirahan. Sa kadahilanang ito lalong dumarami ang mga mahihirap sa ating bansa sapagkat hindi sapat ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa “Family Planning”. Dahil din sa kakulangan sa edukasyon ng mga kabataan sa “sex education” patuloy paring dumarami ang nagkakaroon ng HIV/AIDS at pagdami ng “teenage pregnancy”.

Ayon sa bagong batas, ang mga Pilipinong kababaihan at mga kabataan ang higit na makikinabang sa mga benepisyo ng RH Law, lalo na ang mga kabilang sa sektor ng mahihirap. Ayon sa pag-aaral ng United Nations Population Fund, 21% lamang ng mga kababaihan ang may sapat na kaalaman o malayang nakakagamit ng mga modernong pamamaraan ng kontrasepsyon. Mataas din ang bilang ng mga kababaihang nanganib ang buhay o kaya ay namamatay dahil sa kakulangan ng sapat na kalinangan ukol sa reproductive health. Ngunit dahil sa mga probisyon ng bagong batas, inaasahang mas tataas pa ang bilang ng mga kababaihang makakagamit ng modern birth control methods, at mapapababa ang bilang ng pagkamatay sa mga kababaihan.

Kung maipapatupad ng maayos at may katapatan ang RH law malaki ang maitutulong nito sa ating bansa upang matugunan ang lumalalang kahirapan sa ating bansa. Gayundin ang HIV/AIDS at pagkakaroon ng magandang kalusugan ng mga kababaihan.


(Pormal sapagkat gumagamit ng mga pormal na salita gaya ng “Ayon sa bagong batas, ang mga Pilipinong kababaihan…”)

Bading Ba Ako?

(Mula sa Nabasa)


 May isa akong kaklase na nagtatanong kung bakit napakatorpe ng kaibigan niya at hindi siya nililigawan kahit na napakarami na niyang pinapakitang motibo, ang sagot ko naman ay “Baka naman bading?” at ang kanyang tugon ay “Siguro ng.” Tinanong niya ako kung paano mo malalaman kung bading ang isang lalaki? Kaya naman nagbigay ako ng ilang senyales base sa aking obserbasyon.
BABALA: Ang mga senyales na nakahayag ay base lamang sa aking obserbsyon at hindi ito 100% tama!
1.      Hindi mapakali sa ITSURA!
·         Laging maayos ang buhok at madalas manalamin.
·         Sobrang arte sa katawan at buhok, yung tipong ayaw magulo ang buhok at ayaw madumihan.
2.      TERNO all the way!
·         Terno lagi ang mga bagay.
·         Terno ang damit, bag, sapatos, medyas, cellphone at iba pang accessories. Ay teh! Confirm. PAK GANERN ang lola mo!
3.      Allergic sa BEKI!
·         Opo mga ka-blog, kung allergic sa bakla baka isa din siyang kapedersyon.
·         May kasabihan na ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw.
4.      KILOS!
·         Hindi lang kembot o lakad ang senyales ng pagiging beki sapagkat makikita din ito s simpleng pagkuha ng baso, pagtingin sa kuko, siko at paa.
·         Tumutulis ang labi  kapag may ekspresyon sa muka.
5.      PIKON!
·         Napipikon kapag siya ay tinatawag na bading, bakla, beki atbp.
·         Ang tunay na lalaki ay tatawanan lamang ito.
6.      NGSB!
·         NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH!
·         Walang girlfriend o naging girlfriend sa buong buhay nya.
·         Magtaka ka na kung wala pa siyang naging syota. Kung ang pari nga nagkasyota na bago maging pari siya pa kaya? Hmmm CONFIRM!
7.      Mahilig manood ng LOVE STORY!
·         Yung tipong maskinikilig pa siya sa mga babaeng nanonood sa sinehan.
·         Minsan may kasama pang hampas at tili.
8.      BAR HUNTER!
·         Mahilig pumunta sa mga comedy at gay bar.
·         Ano nga naman ang gagawin ng isang tunay na lalaki sa isang gay bar? Hmmm. Mamakla? O magkumpara sila ng haba ng etits? IKAW NA!
9.      May syotang bading!
·         Sabi nila kapag pumatol ka sa katulad mo isa ka narin sa kanila!
·         Ano pa nga ba? “Birds of the same feather flocks together” wag mong idahilan ang pamemera! DON’T ME!
10.  JELLY ACE kapag nalalasing!
·         Yung tipong tinalo niya pa ang sex bomb sa paggiling  pag nalasing at take note, masmalambot pa sya sa jelly ace kung kumembot! CONFIRM!

Bilang pagtatapos, gaya ng aking nabanggit hindi 100% tama ang mga ito, at kung minsan ay nasa tao. Ngunit ang mga sumusunod ay maaring makatulong sa inyo upang matuklasan ang mga pamintang buo na patuloy paring nagtatago.


Isa sa mga barayti ng wika ang ginamit rito ay Idyolek sapagkat gumamit ako ng mga salitang mula sa mga beki gaya ng “PAK GANERN”. Ang antas ng wikang ginamit ay balbal sapagkat may mga salitang nabanggit gaya ng “etits”.

Ang Tunay na Pag-ibig

(Mula sa Nabasa)


Lahat tayo ay nagmamahal at nais na mahalin, lahat tayo ay nasasaktan at may kakayahang manakit, minsan sa ating buhay lahat tayo ay nabigo ngunit minsan naman ay tayo ang dahilan ng ating pagkabigo. Bakit kahit gaano mo kamahal ang isang tao darating ang panahon na kayo’y hindi magkakasundo? Bakit kahit gaano mo kamahal ang isang tao ay mapapahanga at mabibighani ka sa iba? Bakit minsan ay hindi sumasapat ang pag-ibig para mapanatiling walang alitan ang isang samahan?
Masasabi kong ang lahat ng ito ay pagsubok lamang. Mga pangyayaring susubok at magpapatibay sa tunay na pag-ibig. Kung tunay nga ang pag-ibig, tiwala ang nararapat na pundasyon ng isang relasyon at hindi puro pagdududa. Pagdududang kikitil sa pag-iibigang namumutawi sa puso’t diwa ng bawat isa.
Masasabi kong walang pasidlan  ang kasiyahan ng taong nagmamahalan at minamahal; wala kang pakialam sa oras at sa mga taong nasa paligid mo dahil ang importante para sa inyo ay ang samantalahin ang pagkakataon na kayo’y magkasama. Lahat ay kaya mong suwayin, lahat ay kaya mong tiisin dahil lahat ng para sa iyo ay kaligayahan sa tuwing siya’y iyong kausap.

Tila tunay nga ang pag-ibig.
Pag-ibig na hindi mapapantayan ng kahit anuman sa mundong ibabaw.
Pag-ibig na makapangyarihan na kayang hamakin ang lahat.

Tunay.

Tunay nga ang pag-ibig.



  • Pormal sapagkat gumagamit ng mga pormal na salita gaya ng “Tila tunay nga ang pag-ibig”. Maituturing rin itong dayalek sapagkat Tagalog ang ginamit na wika.